
Simula pa lamang ng buwan ng Disyembre ay mapapansin na ang bawat bahay at gusali ay naliliwanagan na ng mga makukulay na ilaw at parol, na simbolo rin ng pagiging malikhain ng mga Pinoy.

Sa luob naman ng mga tahanan ay hindi mawawala ng belen, na siya namang sumisimbolo sa pagpapahalaga ng mga Pinoy sa pamilya at kaibigan. Kaya’t nga tuwing Pasko’y kabi-kabila din ang mga salu-salo, lalo na’t marami tayong kababayan na umuuwi upang makapiling ang kanilang mga pamilya (at mamigay ng mga regalo hahaha!)
