23
Dec
10

LP131: Makulay (Colored)

Happiness is something that multiplies when divided. Make your holidays more colorful. If you have the means to celebrate, then have the heart to share your blessings. Have a Merry and Colorful, CHRISTmas!

Makukulay na laruan at kendi para sa mga inaanak, pamangkin, at mga batang pinaka-excited sa okasyong ito. Gawing mas makulay ang Pasko sa pamamagitan ng papamahagi ng mga biyayang natanggap sa nagdaang taon na ito. Maligayang Makulay na Pasko sa inyong lahat!

<– Bisitahin ang makukulay na lahok ng ating mga ka-LP.

30
Jun
10

LP112: Teknolohiya (Technology)

Dahil ang Mt. Amuyao ang pinakamataas na lugar sa Mountain Province, dito inilagay ang transmitter ng PT&T at TV-relays ng ABS-CBN2 at GMA7. Sundan lamang ng tanaw ang mga landmark na ito at tiyak na makakarating ng ligtas at maayos sa summit o tuktok ng napakagandang bundok na ito.

<– Bisitahin ang ibang lahok ng ating mga ka-LP.

27
May
10

LP107: Numero (Numbers)

Habang hindi ko pa napagtatanto kung paano gagamitin ang aking camera gamit ang aking kaliwang kamay, naghukay muna ako sa aking baul ng larawan na akma sa paksa ngayong linggo.

Ang lumang bahay na ito ay isa sa mga makasaysayang tanawin na mapapansin kung inyong lalakarin ang kahabaan ng Intramuros.

While my right collar bone is healing… I still haven’t figured out how to carry the dslr using my left hand. Any tips? šŸ˜€

For the meantime, here’s one of the old photos we took during our photo opp in Intramuros.

<– Bisitahin ang ganda ng kalikasan na kuha ng ating mga ka-LP.

01
Apr
10

LP99: Totoo (True, Truth)

Totoo lahat ang mga headlight at salamin na nakakabit sa harapan ng tricycle na ito, na aming nasilayan sa bayan ng Liliw, Laguna. Ika nga nila, kanya-kanya tripping lamang yanšŸ™‚

03
Mar
10

LP95: Kalikasan (Nature)

Matindi ang sikat ng araw kaya’t lumitaw ang natural na kulay ng mga puno at ulap, ngunit ito rin ang nagiging dahilan kung bakit bumababa ang tubig dito sa Agno River at labis na natutuyo ang lupa at mga halaman. Hinihiling ng mga taga-rito na sana’y bumuhos na ang ulan upang maipagpatuloy nila ang “gold panning” o ang pagsasala ng ginto, ang isa sa mga pangunahin nilang pinagkakakitaan. Ang isang gramo ay naibebenta nila ng mula P1,300 hanggang P1,600.

(The intense heat of the sun gave these clouds and trees some vibrant colors, but unfortunately is also the reason why the water level at Agno River is reaching its critical level. The ground has become dry and the trees are dying. The locals are wishing for the rainy season to come soon so that they can continue with gold panning, one of their major sources of livelihood. One gram of gold is currently being sold at P1,300 to P1,600.)

<– Bisitahin ang ganda ng kalikasan na kuha ng ating mga ka-LP.

25
Feb
10

LP94: Husay (Able or Skillful)


Bilib ka nga naman sa kakahayahan ng mga batang ito, ginawang drum set ang bunot, kaldero at timba samantalang isang sanga naman ng puno ang ginamit na pamalo. Sila ay tumugtog sa saliw ng awiting Estudyante Blues nung nakaraang weekend sa Itogon, Benguet.

(These kids are really innovative and amazing. They made a drum set out of a coconut husk, cooking pot and a pail; then a drum stick out of a tree stem. They played the song Estudyante Blues as part of their program during our outreach drive last weekend at Itogon, Benguet.)

<– Bisitahin ang ibang ma-‘husay’ na lahok ng ating mga ka-LP.

17
Feb
10

LP93: Batik/Mantsa (Spots or Specks)

Si Homer ay nagdiwang ng kanyang ika-5 kaarawan kahapon. Siya ay mas malambing kaysa sa kanyang malditang kapatid na si Marge. Mas madali rin siyang kuhanan ng litrato dahil tumitingin talaga siya sa camera kapag tinatawag ko. Yun nga lang, naturingang lalaki eh mas duwag hehehe!

(Homer celebrated his 5th birthday yesterday. He is more affectionate compared to his evil sister Marge. He is also more playful with the camera whenever we call his name. Downside is he’s also a coward har har despite being a lot bigger!)

<– Bisitahin ang mga batik at mantsa na lahok ng ating mga ka-LP.




Categories

Litratong Pinoy

Sali Na!

Archives

Blog Counter

wordpress stat